BAWAL BASAHIN. PARANG AWA NYO NA. ‘WAG.

WAG MO AKONG TAWAGING BANO.

5 taon mula noong Abril 04,2006. Salamat sa 4 na taon na pakikisama sa akin. Oo. 4 na taon lang. Alam mo ang kadahilanan na ikaw ang gumawa.

Salamat sa pag ttyaga sa 4 na taon. Lahat ng hirap at pasakit na aking dinulot ay at maigi ko ring pinagbayaran sa pamamagitan ng iyong maiging pagsasawalang bahala ng bagay bagay na humantong sa isang malalang paghihiwalay.

Hindi ko akalaing makakasimula tayo muli.May mga bagay na mahirap itapon, mga taong nagpahalaga na kailangang iwanan para lang sa ikakatupad ng iyong malalabong salita.Umaasa parin akong magbabago ka. Tulad ng iyong pangako.

May tatlo akong gstong blaikan mula sa nakaraan.Mga bagay na sana’y iyong inayos bago nagkagulo gulo ang lahat.

Ang pinaka primera ay ang unang paskong hindi ako naging maligaya sa piling mo.

Disyembre 8, 2009.

Nagmamakaawa ako sayo. UMIYAK AT LUMUHOD sa harap mo, HUWAG KA LANG UMINOM. Ngunit nilabag mo  ako. Tumuloy ka parin, at ang mas masakit nyan, hindi mo kagad ipinaalam.simula ng araw na ito,ayoko na maniwala sayo. Gusto ko ng makipaghiwalay. Gusto ko ng lumayo at tanggapin lahat ng lungkot na maaring ibato ng mundo.

Enero 6, 2010.

Ibinigay mo ang pinakamalungkot na kaarawan ko. Matapos ko malaman ang outing nyo na may mga kasama pang babae noong Disyembre ng nakaraang taon.Kasama na dyan ang pag amin mo sa mga palihim na pag inom mo. Ang mga sumbat mo na “kung naging ok ka lang noon pa, sana gingawa ko lahat ng gusto mo”.

Gusto kong sumigaw at sabihing “kung hindi ka tanga at walang pakielam nung huling taon natin nung hayskul, sana ok na ok tayo. Kung hindi mo idinadahilan na unang nobya mo ako kaya hindi ka makalapit saken kahit man lang sa break time noong hayskul,sana mas matatag tayo.At bakit ka pa nkipagrelasyon saken kung hindi ka handang magbigay ng 100% sa kabila ng lahat?!Isa kang BANO.”

Galit na galit ako sayo. Sa mga panahong ito, sa t‘wing magkakaaway tayo, palagi mo nlang akong tatalikuran.Aalis k nalang kaagad habang kinakausap kita.Alam mo ba kung gaano kasakit yun?

Abril 25,2010

Ang pinakamalalang ginawa mo.

Habang may taong malalang sinisira ang pangalan ko,inaya ka ng mga magagaling na kaibigan mo.

Sumama ka nman. Kahit alam mo na ayokong ayoko na umiinom ka. Kahit alam mong nasa kalagitnaan ako ng gyera. Ang pinakamasakit, HINDI SI TALAGA IKAW ang nagtatanggol sa akin noon, kundi ang sarili ko lamang, gamit ang iyong kredensyal.

Habang ako’y nasa kalaliman ng sama ng loob, sawi mula sa isang matalik na kaibigan, nagparating ka ng isang mensahe na “mabuti nga sa iyo at nangyari sa iyo yan”.

Lasing ka noon.Marami ka pang masasakit na sinabi noon na mas lalong sumari sa aking katinuan. Hindi ko akalaing, kaya mo akong pagsalitaan ng mga ganung salita.

Gsto kong sabhin sayo na “ BANO KA KASE. HNDI MO SYA MASABIHAN NA LUMAYO SYA SA AKIN DAHIL NGSESELOS KA.”

Araw matapos ng gyera. Naghihintay ako kahit iisang mensahe man lang na taos pusong humingi ka ng tawad.  Ngunit sa tagal ng araw, ang tanging natanggap ko lamang ay iisang mensaheng naglalaman ng “SORRY?”. Patanong na paumanhin na hndi ko malaman kung anong ibig sabihn.

Matapos ang mga araw na ito, matapos ang napakalungkot na araw na ito. AYOKO NA.

Ngunit may tumutulak sa akin,mula sa iyong kaluluwa na kailangan ko magpatuloy na sumama sayo.

Ang problemang hindi mo man lang nagagawang tangkilikin ang mga ginagawa ko sayo, Ang problema mo sa pag inom. Ang problema mo sa iyong obligasyon bilang isang nobyo na hndi mo prin alam hanggang ngayon. Manhid na ako sa pagmamakaawa ng iyong awa at pagmamahal.

May problema sayo. Ang problema, Hindi mo alam.

Oktubre 2010

Nagdesisyon akong makipaghiwalay.Ang hindi mo pag tangkilik sa mga ginagawa ko, ang ngtulak sa akin. Lalo na ang paghahanda ko noon sa kaarawan mo noong ika- 4 ng Setyembre, na naging isang malungkot na selebrasyon para akin, gusto kong surpresahin ka.ipinaghanda kita ng maaga sa bahay. 11 ng umaga  ang usapan. Alas dose,hinintay kita dumating sa bahay para batiin ka ng maligayang kaarawan. Ngunit itenext mo ako at sinabing alas 3 ka ka pa makakarating dahil lasing ka mula sa inuman kagabi.Sobrang sakit na hndi mo man lang ata nararamdaman at napapansin na ALAK LANG ANG DAHILAN NG MATITINDI NTING PAG AAWAY.

Nobyembre – Disyembre 2010

Mga pinakamalulungkot na buwan. Na wala akong hinihintay noon kundi isang malaking surpresa at patawad. Ngunit wala. Sa halip, makakakita pa ako ng mga litrato ng pag iinuman sa iyong mukhang libro. Ang masakit nyan ay ang pagdidikta mo saken ng mali ko, ngunit ang mga pagkukulang mo, hndi mo prin napupuna.

 

Enero 2011

Ang pagsasabuhay mo. Ang paghingi mo ng paumanhin na matagal ko ng hinintay.Ayoko ng idetalye kung anu-anong mga bagay ang sumasaloob dito. Ang mahalaga, natanggao mo ako, at tinangap muli kita.

Pebrero 2011

Marami akong sinabing mga simpleng bagay na walang presyong nakalathala na gusto ko sana makamit sa araw ng mga puso, ngunit ni isa doon,kahit idinikta ko na, wala paring natupad.Inaamin kong hndi ako natuwa. Na para akong tanga kakahintay ng alas 12 impunto sa orasan sa pagaakalang babatiin mo akong maligayang araw ng mga puso.Hindi ako naging Masaya..Ngunit pinagpaliban ko nlang sa pag uumasang maaring sa ibang araw, baka bumawi ka. Baka sa Abril, may mangyaring maganda.

 

Abril 2011

Ika limang anibersaryo. Hndi ko akalaing aabutin natin ito. Dahil sobrang pagod na talaga ako.Ngayon ay ika – 3 ng abril. Madalamhati kong itinatype ang mga ito habng lumuha sa sobrang sakit sa pag alaala ng mga masasakit mong ginawa. Ang hiling ko lang, sana magkaroon ka ng pakielam sa akin. Magkaroon na ng ideya ng iyong ggwin sa t’wing nag aaway tyo. At hndi sana yung tipong pag umalis ako, ay hndi ka na susunod. At mas pipiliin mo pang tumambay kasama ng kaibigan para manood ng movie, ng laro, ng porn o mglaro ng pokemon. TAO LANG AKO. Sana maramdaman mo na may limitasyon di ang nararamdaman ko para sayo.

 

Sorry. Dahil wala akong maisulat na masaya para sa taong ito. Mabuti na ito, para magising ka sa katotohanan kung ano ka talaga.Sana magbago ka na. Dahil pinpilit ko naman magbago.

 

Advertisement

~ by zheraariza on April 3, 2011.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.