KRIS JERRA, sino ka?
DON’T LABEL ME.
Ako si Kris Jerra, ang babaeng mahilig sa metal na musika.
Isa ako sa mapapalad na babae sa mundo dahil sa mga bagay at mga taong maaaring ako lang ang meron sa ngayon. Ilang taon ko rin binasa bago ko nakita ang mga kahalagahan at ngayon, aking napagtanto na bihira lang pala maging katulad ko.Kakaibang babae sa sariling paraan. Maaaring hindi ako ang ideyal na iskulptura ng iba ngunit ako ay tumatayo sa paraang alam kong tama at mga kinagawian ko.
Marami naman akong ideya, yun nga lang, patapon.
Likas lang saken na tumawa mag-isa(baliw), pagtawanan(pahiya) at makitawa(nakikisama). Haha.
Ayoko sa alak at ayoko rin sa lasinggero.
Ayoko rin sa hospital^^
Isa akong taong madaling makaalala ng mga bagay-bagay pero mas cool pag kunware ‘di ko alam.
Mayabang ako at walang alam. Kahanginan at kamang-mangan, yan ang ilan sa makikita ninyo sa blog na ito.Haha.
